Saturday, December 31, 2011

Bago ang panibagong putukan...


... balikan muna ang year-ender episode (Episode 25) ng Psych o' Clock Habit noong 2010! How fast time flies nga naman ano? :D At ang episode na ito ay pinamagatan nating: "SAAN MO GUSTONG PAPUTUKIN?" Kasi nga naman, kapag New Year, uso ang putukan at ang mga pasabog! At ano ang gusto naming ipasabog sa episode na ito? Walang iba kundi pasasalamat :D

Pinag-usapan dito ang tungkol sa GRATITUDE na akmang-akma kapag ganitong patapos na ang taon. Inalam natin: ano nga ba talaga ang pakiramdam na ito? Bakit ito importante? At anu-ano ang pwedeng gawin para lalong mag-linger at ma-savor ang pakiramdam na ito?

But wait, there's more! May ilang regalo rin kami dito para sa inyo. Muling pakinggan ang compilation ng ilan sa aming paboritong titles noong 2010, kasama na rin ang pinakamalulutong at pinakamalalakas naming tawanan!

Happy new year! At sana mas maligaya nga ang 2012 para sa ating lahat!


*(Kung nais i-download ang mp3 files at Windows ang gamit, paki-right click ang link sa taas tapos Save As. Hindi kami sure paano kapag Mac, hehe, sorry! If you're a Mac user, patulong naman kami. Pakisulat sa comment section kung ano ang steps. Salamat!)


'Wag kalimutan, live episodes tuwing Thursday, 6-7 pm sa DZUP 1602 AM
Follow us on Twitter: @pochofficial
Like us on Facebook: Psych o' Clock Habit

Wednesday, July 27, 2011

Ang tagal bago lumabas!

Sa wakas ay may nailabas na rin! :) Dahil medyo natagalan ang paglabas ng episodes, aba dapat sa pagkakataong ito, madami agad! And because we love SIX (do you love six, too?), here are 6 episodes for you! Enjoy and please feel free to comment!

(Kung nais i-download ang mp3 files at Windows ang gamit, paki-right click ang link tapos Save As. Hindi kami sure paano kapag Mac, hehe, sorry! If you're a Mac user, patulong naman kami. Pakisulat sa comment section kung ano ang steps. Salamat!)

Episode 18: Sunud-sunod na blow, sunud-sunod na jab!

Topic: Exercise Psychology
Special Guest: Prof. Jonathan Cagas (mula sa College of Human Kinetics, UP Diliman)


Sa pagpapatuloy ng "Psych o' Clock Habit and our HOT, HOT Friends," nakakwentuhan natin si Prof. Jon Cagas na hindi lang isa sa mga pinakamahusay na yogi ng bansa, isa rin siyang researcher at teacher sa larangan ng Exercise Psychology!

Inalam natin: ano bang physical activity ang pwedeng ma-consider na exercise? Bakit yun importante at ano ang benefits nito? May exercise ba na pwede gawin pero hindi ka papawisan? Hihi.



Episode 19: Paano mo gustong maibaon?

Topic: Mga kwento sa (ilalim ng mga) sementeryo!
Special Guest: Dr. Grace Barretto-Tesoro (mula sa Archaeological Studies Program, UP Diliman)


Sa pagpapatuloy ng "Psych o' Clock Habit and our HOT, HOT Friends," nakakwentuhan natin ang isa sa apat na may PhD sa archaeology dito sa Pilipinas at isa sa aminadong "gusgusin" at "professional digger": si Dr. Grace Barretto-Tesoro (whatta-superstar)!

Inalam natin: ano nga ba ang inaaral sa archaeology? Gaano kahalaga ang paghuhukay sa larangan na ito? Bakit importante pag-aralan ang mga sementeryo? Ano ang malalaman natin sa pag-aaral ng burial sites?



Episode 20: Masarap kumain, masarap ding magpakain

Topic: Food, pleasure & culture
Special Guest: Prof. Walter Robles (a.k.a Ser Wali mula sa Department of Hotel, Restaurant & Institution Management, UP Diliman)


Para sa finale ng "Psych and our HOT, HOT friends" tinakam tayo ni Ser Wali sa usapang pagkain!

Inalam natin: Anong halimbawa ng mga pagkaing "best of the region?" Kamusta ang paghahanda ng pagkain "as a profession?" Paano nagiging source ng sarap ang pagkain para sa dalawang tao, sa barkada, at sa mga Pilipino?



Episode 21: We all love to Pac!

Topic: Pacquiao effect
Special Guests: Prof. Adrianne John "AJ" Galang (mula sa DLSU at UP Diliman) at Prof. Diwa Malaya "Diwa" Quinones (mula sa Psychology Department, UP Diliman)

Pagkatapos ma-feature sa frontpage ng isang sikat na broadsheet ang mga pag-aaral nila, pumayag sina AJ at Diwa na ikwento sa atin kung ano nga ba ang mga natuklasan nila tungkol sa pagka-Pilipino.

Inalam natin: Meron ba talagang Pacquiao effect at ano ba talagay yun? May epekto ba yung mga laban ni Pacquiao sa pagtingin natin sa mga sarili natin bilang Pilipino? Nagiging mas proud ba tayong maging Pinoy pagkatapos ng laban niya?



Episode 23: May problema ba ang mga T sa mga K?

Topic: Risa Hontiveros at ang RH Bill
Special Guest: (ang nag-iisa at idolo naming si) RISA HONTIVEROS


Isang maaga at MAGANDANG Pasko talaga ang naganap sa Psych o' Clock Habit! Bumisita ang champion of women's rights & good governance, former Akbayan Rep. Risa Hontiveros! (Ang cute daw ng pamagat ng show sabi niya! Hihi). Hanggang ngayon di pa rin kami makapaniwala na naganap talaga ang 28 minutong iyon sa kasaysayan ng PoCH!

At siyempre, hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa: Ipasa ang RH Bill!



Episode 24: Ngayong Pasko, wala munang magsasarili

Topic: A secular Christmas celebration
Special Guests: Bea Torre, Red Tani, Liz Diaz & Garrick Bercero


Isang alternative Christmas presentation ang handog ng Psych o' Clock Habit kasama ang masarap kakwentuhang Filipino Freethinkers!

Inalam natin: Sinu-sino ba ang mga Filipino Freethinkers at bakit ang cool nila? Paano mag-celebrate ng Pasko ang mga hindi Katoliko? Ano man ang paniniwalaan mo, ano nga ba ang diwa ng Pasko?



'Wag kalimutan, live episodes tuwing Thursday, 6-7 pm sa DZUP 1602 AM
Livestreaming: dzup.org
Follow us on Twitter: @pochofficial
Like us on Facebook: Psych o' Clock Habit

Friday, January 28, 2011

SHARE ON AIR: Ano kaya ang tingin ng mga tao sa mga UP students?

Sa aming episode na "Uuu... Ang Galing Mo.." kasama si Prof. Jay A. Yacat, aming inalam kung anu-ano ang tingin ng mga tao sa mga UP students. Ayon kay Prof. Yacat, ang mga "stereotypes" ay kadalasang tama pero exaggerated. Gamit ang "wordle", itinala ni Prof. Yacat ang ilang mga "stereotypes" na aming nakuha sa aming facebook wall, at ang lumalabas na top 3 ay: (1) matalino; (2) aktibista; at (3) non-conformists:

Wordle: Images of UP students Click to create your own wordle.

Maluwag o masikip man, pwedeng-pwedeng pasukan...

Architecture and Psychology? 'Di nga?

It's great to know that even architects want to observe how people behave and know more about the things people need when transforming a place. Perhaps that's why the best architects really know how to turn a house into a home. We invited Prof. Nicolo Del Castillo from the UP College of Architecture to hear his thoughts on psychology and architecture.






Please support Psych O'Clock Habit by following our blog (click here) or by joining our facebook fan page (click here)!

Thursday, January 20, 2011

Kung gusto mong lumigaya, mag-SALSA ka!

What is the secret to happiness?

Psychology may not always give us the exact answer but it can very well guide us to a number of ways to attain a positive, happy, and meaningful life. Alternatively, dancing the Salsa can be a good start too. : )

Here are Chei and Ton on a special episode about happiness, positive emotions, and pleasure. Halina't mag-Salsa tayo!






Please support Psych O'Clock Habit by following our blog (click here) or by joining our facebook fan page (click here)!

Thursday, January 13, 2011

Ipinatong sa lamesa, ibinalibag sa kama!

It's January. You list down your "new year's resolutions" and on top of that list you put the daring "never-to-cram-schoolwork-ever-again" line. Yet, December has come and you see yourself still cramming that research paper.

Perhaps you need to acquire new habits that would help you get back on track! Well, for starters, you can tune in to our weekly educational program (and/or download our podcasts too!) with DZUP's Radio Iskool, and have fun while learning. : )

Here's our fun interview about Self-Regulated Learning, plus a few things about cramming, with Prof. Kay AƱonuevo. Send us your comments!






Please support Psych O'Clock Habit by following our blog (click here) or by joining our facebook fan page (click here)!

Sunday, January 9, 2011

POCHAHOLIC sa TROPANG RAD'YO!

Exclusive Interview
Psych O'Clock Habit anchors Chei and Ton meets Katropang Jane and Katropang Dex of DZUP's TROPANG RAD'YO!





* OCTOBER 1, 2010 | 7:00PM
* Copyright © TROPANG RAD'YO! DZUP 1602

Saturday, January 1, 2011

A BIG THANK YOU!

To all our dear friends, supporters, students, fans, family, loved ones,
THANK YOU very much for making our hearts bigger and fuller after another year of love, life, and laughter!

We love you all!
Happy New Year! Cheers to 2011!


[ Click to hear Chei and Ton's memorable moments of 2010 ]

ALIN SA MGA LINYANG ITO (MULA SA PINOY ROMANTIC FILMS) KA NAKAKA-RELATE?